Thursday, January 27, 2011

Protestang pabaon sa huling BOR meeting ni Emerlinda R. Roman

(Photo source: UP Kilos Na)

Editor's note: The following statement was sent to us by UP Kilos Na and we have decided to upload the statement in full because it contains many historical truths which must be balanced against President Roman's contentions that her biggest achievements are the passage of the 2008 U.P. Charter (R.A. 9500) and the successful celebration of the U.P. Centennial.

Kaninang umaga ang huling pulong sa BOR ni Emerlinda Roman bilang Pangulo ng UP bagamat Pebrero 10, 2011 ang turnover ng presidency sa kay Alfredo Pascual.

Anim na taong panunungkulan ni Roman bilang Presidente. Bago niyan ay anim na taon ding Chancellor ng UP Diliman. Kung ibibilang pa ang mga taon bilang University Secretary, bilang Faculty Regent, halos di na bumababa sa pwestong administratibo ang unang pangulong babae ng UP.

Pero malalim ang sugat na idinulot ng kanyang pamamalakad. Sabi niya dalawa ang mahalaga niyang naaccomplish bilang Presidente: ang pagpasa sa UP Charter at pamamahala sa senternayo ng UP . (http://www.pia.gov.ph/?m=1&t=1&id=13220)

May ibang pagtatasa ang mga nagprotestang estudyante, kawani, faculty at REPS kanina: pinabilis ni Roman ang proseso ng pribatisasyon ng UP sa pamamagitan ng 300% tuition increase noong 2006 at walang patumanggang pagpapaupa sa lupa ng UP sa mga korporasyon, laluna ang paborito niyang Ayala at ang malinaw na pagyurak sa mga demokratikong proseso ng pamamahala sa ginawa sa pagpapatalsik sa Student Regent, sa pag-alis sa pwesto sa noo'y nanumpa nang PGH Director Jose Gonzales at sa patuloy na di pagpapatupad sa desisyong bigyang tenure si Sarah Raymundo. Tumingkad din ang isyu ng diskriminasyon sa hanay ng mga kawani at REPS sa mabilis na mga dagdag na benepisyo para sa faculty at laluna sa mga senior faculty habang ang matatagal na mga kahilingan para sa kawani at REPS at para sa mga junior faculty ay hindi ibinibigay.

Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan ang naging tema ng pamamalakad ng Administrasyong Roman. At sa ganitong pamamalakad, tinatangkang wasakin ang pagkakaisa ng komunidad ng UP. Ginagantimpalaan ang mahuhusay magpalabas ng sariling pondo sa pamamagitan ng dagdag na mga pribilihiyo tulad ng sariling dorms. Ang mga walang pondo ay kailangang mahusay na umawit ng pondo sa administrasyon laluna't walang transparency sa kung ano talaga ang kaperahan ng UP.

Good riddance Emerlinda R. Roman. Tuloy ang laban.

UP kilos na para sa demokratikong unibersidad na pilipinas na naglilingkod sa bayan!

Ipagpatuloy ang mga laban

Pagpapatupad sa desisyong magkatenure na si Prof. Raymundo

Labanan ang Pribatisasyon ng FMAB
Dagdag na 10 days leave benefits para sa mga kawani at REPS
Labanan ang Pagsasara sa UFS ng UP Diliman
Hustisya para sa mga biktima ng Had. Luisita Masaker at Ampatuan Masaker
Tunay na reporma sa lupa kabilang na ang kagyat na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka at manggagawang bukid ng Had. Luisita.
Dagdag na P125 sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor! Dagdag na P6,000 sa minimum na sahod ng mga kawani sa pampublikong sektor!
Salary upgrading ng mga public school teachers!
Back COLA!
Demokratisasyon ng pamamalakad ng unibersidad!
Paglaya ng lahat ng bilanggong pulitikal!
Pagbigay wakas sa impunity!
Paglaban sa patuloy na pagpapatupad ng neo liberal na mga patakaran sa bansa at sa unibersidad!
Paglaban sa VFA at Balikatan exercises!
Pagtutol sa OPLAN Bayanihan na kapalit ng OPLAN Bantay Laya
Prosecution ni Gloria Macapagal Arroyo sa mga krimen ng plunder, korapsyon, paglabag sa karapatang pantao


Ang mga iskolar, kawani at guro ng bayan, patuloy na lalaban

No comments:

Post a Comment

Blog Archive

The Diary Archive