Saturday, October 30, 2010

Komentaryo: Patuloy na paglaban sa diskriminasyon sa U.P.



Ni All U.P. Workers Union

Hindi naglubay ang ating unyon para labanan ang patuloy na diskriminasyon sa unibersidad. Noong Mayo 27 pa ang desisyon ng BOR na bigyang tenure si Sarah Raymundo; hanggang ngayon wala pa ring tenure!

Noon pang Hunyo 24 inaprubahan ng BOR ang P10 T para sa faculty at P8 T para sa REPS at kawani na sagad. Di pa rin ito ipinatutupad.

Lumilitaw na kahit manalo ang mayorya sa BOR pero tutol si Presidente Roman, hindi niya ipinatutupad ang desisyon. Kaya nga hindi naglubay ang ating unyon sa paggigiit na ipatupad na ang P10t at P8 T sagad at bigyan na ng teaching appointment si Sarah Raymundo. Serye ng protest lunch sa Quezon Hall at jog and walk laban sa diskriminasyon ang inilunsad ng All UP Workers Alliance. Nagdaos pa ng vigil noong Oktubre 27, isang gabi bago ang BOR meeting nitong Oktubre 28.

May panimulang tagumpay na tayong nakamit. Pumayag na rin si Roman sa 10-8 t sagad award. Ang kagyat na implementasyon ay P10t para sa faculty at P6t para sa mga kawani at REPS habang hinahanapan pa ng paraan na mapunuan ang kulang na P4.5 milyon para sa dagdag na 2t para sa mga kawani at REPS. Pag-atras ito sa matagal na posisyon ng Administrasyong Roman na 10t at 6 t lamang ang kayang ibigay!

Siyempre di pa tapos ang ating laban sa diskriminasyon na nasusuma sa "Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan" na motto ng kasalukuyang administrasyong Roman:

1) ipatupad ang desisyon ng BOR na bigyang tenure si Sarah Raymundo
2) tiyakin na makuha natin ang dagdag na 2t para sa mga sagad na kawani at REPS
3) dagdag na 10 days leave benefits para sa mga kawani at REPS.

Mabuhay ang militante, progresibo at makabayang unyonismo sa Unibersidad ng Pilipinas!

Mabuhay ang mga kawani, REPS at guro ng pamantasan!












Source: http://www.facebook.com/?tid=1666689833325&sk=messages#!/album.php?aid=32643&id=107602369270905&fbid=162265357137939

No comments:

Post a Comment

Blog Archive

The Diary Archive