Tuesday, October 12, 2010

DepEd: Eskwelahan off limit sa campaign poster

Manila (12 October) -- Pinapaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga tatakbong kandidato sa October 25 Barangay Elections na nananatiling ?off limits? pa rin ang mga paaralan sa mga campaign poster.

Paalala ng DepEd, hindi lamang mga kandidato sa barangay ang pinagbabawalang magkabit ng kanilang poster sa mga eskwelahan kundi maging mga kabataang tatakbo para sa Sangguniang Kabataan o SK.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin ang DepEd sa Commission on Elections (Comelec) para habulin ang sinumang lalabag sa kanilang alituntunin.

Nauna nang itinakda ng Comelec sa Oktubre 14, Huwebes, ang simula ng campaign period para sa eleksyong pambarangay.

Gayunpaman, iniulat ng isang himpilan ng radio na may ilang kandidato na ang nagkabit ng kanilang poster sa ilang pangunahing lugar sa Manila at Quezon City.

Kabilang daw sa mga naturang poster ay naglalaman ng mga pagbati at accomplishment report ng mga kandidato. (jcp/PIA-MMIO)

No comments:

Post a Comment

Blog Archive

The Diary Archive