Showing posts with label All U.P. Worker's Union. Show all posts
Showing posts with label All U.P. Worker's Union. Show all posts

Saturday, October 30, 2010

Komentaryo: Patuloy na paglaban sa diskriminasyon sa U.P.



Ni All U.P. Workers Union

Hindi naglubay ang ating unyon para labanan ang patuloy na diskriminasyon sa unibersidad. Noong Mayo 27 pa ang desisyon ng BOR na bigyang tenure si Sarah Raymundo; hanggang ngayon wala pa ring tenure!

Noon pang Hunyo 24 inaprubahan ng BOR ang P10 T para sa faculty at P8 T para sa REPS at kawani na sagad. Di pa rin ito ipinatutupad.

Lumilitaw na kahit manalo ang mayorya sa BOR pero tutol si Presidente Roman, hindi niya ipinatutupad ang desisyon. Kaya nga hindi naglubay ang ating unyon sa paggigiit na ipatupad na ang P10t at P8 T sagad at bigyan na ng teaching appointment si Sarah Raymundo. Serye ng protest lunch sa Quezon Hall at jog and walk laban sa diskriminasyon ang inilunsad ng All UP Workers Alliance. Nagdaos pa ng vigil noong Oktubre 27, isang gabi bago ang BOR meeting nitong Oktubre 28.

May panimulang tagumpay na tayong nakamit. Pumayag na rin si Roman sa 10-8 t sagad award. Ang kagyat na implementasyon ay P10t para sa faculty at P6t para sa mga kawani at REPS habang hinahanapan pa ng paraan na mapunuan ang kulang na P4.5 milyon para sa dagdag na 2t para sa mga kawani at REPS. Pag-atras ito sa matagal na posisyon ng Administrasyong Roman na 10t at 6 t lamang ang kayang ibigay!

Siyempre di pa tapos ang ating laban sa diskriminasyon na nasusuma sa "Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan" na motto ng kasalukuyang administrasyong Roman:

1) ipatupad ang desisyon ng BOR na bigyang tenure si Sarah Raymundo
2) tiyakin na makuha natin ang dagdag na 2t para sa mga sagad na kawani at REPS
3) dagdag na 10 days leave benefits para sa mga kawani at REPS.

Mabuhay ang militante, progresibo at makabayang unyonismo sa Unibersidad ng Pilipinas!

Mabuhay ang mga kawani, REPS at guro ng pamantasan!












Source: http://www.facebook.com/?tid=1666689833325&sk=messages#!/album.php?aid=32643&id=107602369270905&fbid=162265357137939

Saturday, October 16, 2010

Commentary: Pagpatay sa UFS Tutulan, Labanan

(Editor's note: Fresh from their 2nd protest lunch at  Quezon Hall, U.P. Diliman (Please see Diliman Diary, October 15, 2010: "Commentary: U.P. union members stage 2nd solidarity lunch at Quezon Hall in protest vs. discriminatory policies on benefits.") union members marched towars Kalayaan Residence Hall to protest the slow and relenteless squeezing by the administration of U.P. Diliman Chancellor Sergio S. Cao of the University Food Service, in the interests of cost-cutting. We are posting the pictures from Professor Sarah Raymundo and the All U.P. Workers Union below, as well as their statement)






By All U.P. Workers Union

Hindi ibinigay ng Administrasyong Cao ang budget ng University Food Service (UFS )ngayong buwan! Walang pambili ng mga lulutuin ang UFS kaya sarado ngayon ito.

Humingi ng pakikipag-usap ang UP Diliman Student Council, ang All UP Workers Union at ang Staff Regent sa kay VC Elizabeth Enriquez para tutulan ang ginagawang panggigipit sa UFS.

Ang hindi pagbibigay ng budget sa UFS ay pinakahuling development lamang sa pakanang sarhan na ang UFS, ang natatanging kainan sa unibersidad na hindi pribado.

Bahagi ito sa pagpapatupad ng patakarang pribatisasyon at komersyalisasyon ng UP. Mahigpit na tinututulan ito ng ating unyon!!

UFS Paunlarin! Hindi Pabagsakin!

Mula sa kay Prop. Sarah Raymundo na kasama sa pagkilos na ito: October 15, 2010

Sa pamumuno ng All U.P. Workers Union, naglunsad ng protesta ang mga unyonistang kawani, mananaliksik at guro ng UP upang wakasan ang diskriminasyon sa rank and file na empleyado ng Unibersidad. Dala-dala rin ng mga unyonista ang nakaambang pagsasara ng University Food Service, ang pagkakait ng pondo rito na dudulo sa pagsasara nito. Dala ng komersalisasyon ang marketisadong relasyon ng mga miyembro ng komunidad ng UP. Kung ano ang halaga mo ayon sa merkado na siyang dinidikta ng lohika ng marketisasyon, yun din ang magiging estado mo sa unibersidad. Hindi kumikita ang UFS, pwes, isara. Serbisyo, hindi kita! Nakangangang tinitingala pa rin ng iba diyan ang paghihiwalay ng mental at manual labor-- anong petsa na, uy? hilig-hilig niyong sabihin ang mga katagang "towards the new millennium," UP in the 21st century, kuning-kuning, tapos ganyan kayo, discrimination lang di niyo matanggal sa balat niyo. ganyan ba ang liberal? naku ha. Sa hanay ng mga unyonistang kawani, reps at guro, nananatiling buhay ang sama-samang pagkilos sa gitna ng nililikhang marketisadong relasyon ng mga polisiya ng UP. Hanggang sa muli... Wakasan ang Diskrimasyon! Tantanan ang Komersyalisasyon! Ipagtanggol ang University Food Service! PS: Sa solidarity message ni Prop Rodriguez, guro ng DFPP at gurong CONTEND, ipinahayag niya ang suporta ng aming organisasyon sa mga empleyado ng University Food Service at ang aming pagtutol sa pagsasara nito. Empleyado ng UFS ang nanay ni Omeng. Ayon sa kanya, alam niya ang hirap ng magpaaral ng isang empleyado sa UP, dahil siya mismo ang produkto ng pag-aaral at ng buhay na yun. Lumaki siya kasama ang mga kapatid sa UP Campus. Ilan sa kanila nakapag-aral sa UP dahil sa paglilingkod ng kanilang ina sa UFS. Noong isang araw, matagumpay na nakapagdepensa ng disertasyon si Omeng para sa kanyang doktoradong programa. Masaya ako at ang CONTEND para kay Omeng dahil hindi lamang niya iyon personal na tagumpay. Ang kwento ni Omeng bilang akademikong makabayan ay isa sa mga paborito kong kwento ng TAGUMPAY ng pampublikong serbisyo di lamang ng UP kundi ng gobyerno. Mali ang anumang dahilan na burahin ang ganyang naratibo't posibilidad sa ating Unibersidad.












Commentary: U.P. union members stage 2nd solidarity lunch at Quezon Hall in protest vs. discriminatory policies on benefits



(To enlarge the pictures, just click on them)

(Editor's note: The following is statement issued regarding the 2nd protest  lunch held at Quezon Hall, U.P. Diliman on October 15, 2010 in protest vs. discriminatory policies on benefits that were granted but no released to U.P. Employees. The protest was attended by U.P. union members, faculty, students, REPS and staff members. To read about the first protest lunch last October 12, 2010 please click on: http://diliman-diary.blogspot.com/2010/10/up-unions-stage-working-lunch-protest.html. The statement is from the Facebook page of U.P. Diliman Sociology Professor Sarah Raymundo. Pictures are from the Facebook page of Professor Raymundo and the Facebook page of the All U.P. Workers Union)


October 15, 2010

Sa pamumuno ng All U.P. Workers Union, naglunsad ng protesta ang mga unyonistang kawani, mananaliksik at guro ng UP upang wakasan ang diskriminasyon sa rank and file na empleyado ng Unibersidad. Dala-dala rin ng mga unyonista ang nakaambang pagsasara ng University Food Service, ang pagkakait ng pondo rito na dudulo sa pagsasara nito.

Dala ng komersalisasyon ang marketisadong relasyon ng mga miyembro ng komunidad ng UP. Kung ano ang halaga mo ayon sa merkado na siyang dinidikta ng lohika ng marketisasyon, yun din ang magiging estado mo sa unibersidad. Hindi kumikita ang UFS, pwes, isara. Serbisyo, hindi kita! Nakangangang tinitingala pa rin ng iba diyan ang paghihiwalay ng mental at manual labor-- anong petsa na, uy? hilig-hilig niyong sabihin ang mga katagang "towards the new millennium," UP in the 21st century, kuning-kuning, tapos ganyan kayo, discrimination lang di niyo matanggal sa balat niyo. ganyan ba ang liberal? naku ha.

Sa hanay ng mga unyonistang kawani, reps at guro, nananatiling buhay ang sama-samang pagkilos sa gitna ng nililikhang marketisadong relasyon ng mga polisiya ng UP. Hanggang sa muli...

Wakasan ang Diskrimasyon!

Tantanan ang Komersyalisasyon!

Ipagtanggol ang University Food Service!

PS: Sa solidarity message ni Prop Rodriguez, guro ng DFPP at gurong CONTEND, ipinahayag niya ang suporta ng aming organisasyon sa mga empleyado ng University Food Service at ang aming pagtutol sa pagsasara nito. Empleyado ng UFS ang nanay ni Omeng. Ayon sa kanya, alam niya ang hirap ng magpaaral ng isang empleyado sa UP, dahil siya mismo ang produkto ng pag-aaral at ng buhay na yun. Lumaki siya kasama ang mga kapatid sa UP Campus. Ilan sa kanila nakapag-aral sa UP dahil sa paglilingkod ng kanilang ina sa UFS. Noong isang araw, matagumpay na nakapagdepensa ng disertasyon si Omeng para sa kanyang doktoradong programa. Masaya ako at ang CONTEND para kay Omeng dahil hindi lamang niya iyon personal na tagumpay. Ang kwento ni Omeng bilang akademikong makabayan ay isa sa mga paborito kong kwento ng TAGUMPAY ng pampublikong serbisyo di lamang ng UP kundi ng gobyerno. Mali ang anumang dahilan na burahin ang ganyang naratibo't posibilidad sa ating Unibersidad.




















Thursday, September 30, 2010

Students and union members protest at the entrance of NISMED in the September 24 Search for the Next UP President public forum held in UP Diliman

Editor's note: If one picture is worth a thousand words, then the pictures posted below of the protest actions engaged in by U.P. students and union members must be worth several thousand words worth of turgid prose. The following protest action took place in front of the NISMED Auditorium at U.P. Diliman on September 24 and was timed to coincide with the 2nd forum for the 2010 Search for a new U.P. president where the eleven nominees for U.P. president presented their visions and answered questions.

In the spirit of American broadcast jorunalist Edward R. Murrow who deliberately lowered his microphone on a curb so he could convey the sounds and hurried footsteps of people fleeing the bombing of London in the Blitz in World War II, to his listeners back in America, we are embedding below the pictures of the protest action which convey, in graphic detail, the protester's concerns ranging from and which were sent to as a link by Faculty Regent Judy Taguiwalo and taken from the Facebook page of the All U.P. Workers Union. These concerns are many of which the next U.P. President will have to grapple with; but we will let the placards, the streamers and the expressions on the faces do all the talking below.

(Nominee for U.P. President Consolacion Alaras
strides into the NISMED Auditorium. To
enlarge the pictures, just click on them)