Saturday, October 16, 2010

Commentary: U.P. union members stage 2nd solidarity lunch at Quezon Hall in protest vs. discriminatory policies on benefits



(To enlarge the pictures, just click on them)

(Editor's note: The following is statement issued regarding the 2nd protest  lunch held at Quezon Hall, U.P. Diliman on October 15, 2010 in protest vs. discriminatory policies on benefits that were granted but no released to U.P. Employees. The protest was attended by U.P. union members, faculty, students, REPS and staff members. To read about the first protest lunch last October 12, 2010 please click on: http://diliman-diary.blogspot.com/2010/10/up-unions-stage-working-lunch-protest.html. The statement is from the Facebook page of U.P. Diliman Sociology Professor Sarah Raymundo. Pictures are from the Facebook page of Professor Raymundo and the Facebook page of the All U.P. Workers Union)


October 15, 2010

Sa pamumuno ng All U.P. Workers Union, naglunsad ng protesta ang mga unyonistang kawani, mananaliksik at guro ng UP upang wakasan ang diskriminasyon sa rank and file na empleyado ng Unibersidad. Dala-dala rin ng mga unyonista ang nakaambang pagsasara ng University Food Service, ang pagkakait ng pondo rito na dudulo sa pagsasara nito.

Dala ng komersalisasyon ang marketisadong relasyon ng mga miyembro ng komunidad ng UP. Kung ano ang halaga mo ayon sa merkado na siyang dinidikta ng lohika ng marketisasyon, yun din ang magiging estado mo sa unibersidad. Hindi kumikita ang UFS, pwes, isara. Serbisyo, hindi kita! Nakangangang tinitingala pa rin ng iba diyan ang paghihiwalay ng mental at manual labor-- anong petsa na, uy? hilig-hilig niyong sabihin ang mga katagang "towards the new millennium," UP in the 21st century, kuning-kuning, tapos ganyan kayo, discrimination lang di niyo matanggal sa balat niyo. ganyan ba ang liberal? naku ha.

Sa hanay ng mga unyonistang kawani, reps at guro, nananatiling buhay ang sama-samang pagkilos sa gitna ng nililikhang marketisadong relasyon ng mga polisiya ng UP. Hanggang sa muli...

Wakasan ang Diskrimasyon!

Tantanan ang Komersyalisasyon!

Ipagtanggol ang University Food Service!

PS: Sa solidarity message ni Prop Rodriguez, guro ng DFPP at gurong CONTEND, ipinahayag niya ang suporta ng aming organisasyon sa mga empleyado ng University Food Service at ang aming pagtutol sa pagsasara nito. Empleyado ng UFS ang nanay ni Omeng. Ayon sa kanya, alam niya ang hirap ng magpaaral ng isang empleyado sa UP, dahil siya mismo ang produkto ng pag-aaral at ng buhay na yun. Lumaki siya kasama ang mga kapatid sa UP Campus. Ilan sa kanila nakapag-aral sa UP dahil sa paglilingkod ng kanilang ina sa UFS. Noong isang araw, matagumpay na nakapagdepensa ng disertasyon si Omeng para sa kanyang doktoradong programa. Masaya ako at ang CONTEND para kay Omeng dahil hindi lamang niya iyon personal na tagumpay. Ang kwento ni Omeng bilang akademikong makabayan ay isa sa mga paborito kong kwento ng TAGUMPAY ng pampublikong serbisyo di lamang ng UP kundi ng gobyerno. Mali ang anumang dahilan na burahin ang ganyang naratibo't posibilidad sa ating Unibersidad.




















No comments:

Post a Comment

Blog Archive

The Diary Archive