This is just the opening salvo of a series of protest actions against discriminatory policies of the University.
Here is the statement of the union:
PAHAYAG NG ALL UP WORKERS ALLIANCE
SA PAMUNUAN NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Oktubre 11, 2010
Ipinararating namin sa pamunuan ng Unibersidad ng Pilipinas ang aming karaingan dahil sa patuloy na pag-iral ng DISKRIMINASYON SA AMING MGA KAWANI AT REPS partikular sa mga ipinagkakaloob na benepisyo. Kung mahalaga din kami sa Unibersidad, sana gawing pantay-pantay ang mga benepisyong aming tinatanggap. Kaming mga kawani ng Pamantasan na siyang nakakatanggap ng pinakamababang sahod ang siya pang pinagkakaitan ng dagdag na benepisyo.
(To enlarge the picture, just click on it)
SAGAD AWARD
Noong June 24, 2010 (ika-1,256th na pulong ng BOR), naghain ng mosyon si Pangulong Roman upang pagbotohan na ang halaga ng Sagad Award para sa mga kaguruan at REPS. Ang tindig ng ating kinatawan sa BOR – Staff Regent ay gawing PhP 8,000.00 ang Sagad Award para sa mga kawani at REPS, mas mataas sa halagang inihain ni Pangulong Roman na PhP 6,000.00 lang. Nang manalo sa botohan ang ating kinatawan at matalo si Pangulong Roman, hindi raw ito maipapatutupad sa kadahilanang walang budget. Ano ito lokohan? Totoo nga bang walang budget o sadyang ayaw lang ibigay ang hinihiling ng ating Staff Regent?
Noong August 24, 2010 (ika-1259th na pulong ng BOR, nakapaglaan ng PhP 50 milyong piso (bagama’t 30 milyon lamang ang inaprobahan ng BOR) mula sa U.P. System para sa tinatawag nilang “UP presence in Fort Bonifacio”? Ito ba ang walang pera?
Ang pondo para sa mga kawani at REPS na sagad ay nagkakahalaga lamang ng PhP 4.5 milyong piso kumpara sa PhP 50 milyon na gagastusin sa nabanggit na proyekto ng U.P. Malinaw na kung kagustuhan ng administrasyon, nagagawan nila ng paraan. Subalit kapag ayaw nilang ibigay, kung anu- ano naman ang kanilang dinadahilan.
10 DAYS ADDITIONAL SICK LEAVE
Ipinapanawagan din namin na ipagkaloob na ang 10 days “Equity” leave privilege (na ibinigay sa Faculty) para sa mga kawaning Administratibo at REPS. Hindi namin tinututulan ang pagkakaloob nito sa mga kaguruan sa dahilang totoong kailangan ang benepisyong ito kahit hindi nila hiniling. Ang aming iginigiit ay mabigyan din ng ganitong benepisyo ang mas nangangailangang mga kawani at REPS. Hindi lamang ang mga kaguruan ang nagkakasakit kundi kami ding mga empleyado ng UP kaya nararapat lamang na may pantay-pantay na benepisyo ang lahat na sektor ng Unibersidad.
Kapos na kapos po ang aming sahod kaya napipilitan kaming i-monetize ang aming naipong leave. Ang dagdag na commutable sick leave ay napakalaki ng maitutulong sa aming pagreretiro. Opo tama po ang inyong nabasa, commutable at retroactive ang ipinagkaloob ng dagdag sick leave sa mga kaguruan. Sa katunayan, ayon sa datos na aming nakuha (tingnan ang table 1 sa likod) umabot nang kalahating milyong ang retirement benefit ng isang nagretirong guro sa Unibersidad.
Table 1: Benepisyong nakuha ng mga faculty dahil sa dagdag na 10 days sick leave
(To zoom in on this table, just click on it)
Sa gitna ng laban sa dagdag ring leave para sa mga kawani at REPS, wala man lamang inihahaing counter proposal ang Administrasyon ng Pangulong Roman. Sa halip na pakinggan ang aming hinaing, dinagdagan pa ng 5 araw na leave ang mga kaguruan, samantalang wala pa rin ipinagkakaloob sa mga kawani at REPS. Ang ginagamit na dahilan ng administrasyon ay wala raw leave ang mga kaguruan. Mariin naming pinabubulaanan na walang leave ang mga kaguruan. Tingnan ang datos sa ibaba:
Table 2: Paghahambing sa leave benefits na natanggap ng Faculty, Admin Staff at REPS
(To zoom in on this table, just click on it)
Kaya ang ating mahigpit na panawagan sa Administrasyong Roman:
• IPATUPAD NA ANG BOR DESISYON NOONG JUNE 24, 2010 PARA SA SAGAD AWARD NA P10,000.00 (Faculty) at P8,000.00 (Admin/REPS)
• IPAGKALOOB NA ANG 10 DAYS “EQUITY” LEAVE PRIVILEGES NA IBINIGAY SA FACULTY PARA SA SA MGA KAWANING ADMINISTRATIBO AT REPS
SUMAMA SA MGA SUMUSUNOD NA SKEDYUL NG ATING PAGKILOS:
Oct. 11 at Oct 15 – Solidarity Lunch Against Discrimination
11:00 a.m. Quezon Hall
Oct. 18, 20, 22, 26, 27 – Jog/Walk to Fight Discrimination
4 p.m. Assembly at Quezon Hall
Oct 27 – Vigil at Quezon Hall
Oct 28 – BOR mobilization 8 a.m. Quezon Hall
(Source: Facebook page of All U.P. Workers Union: http://www.facebook.com/?tid=1439709753154&sk=messages#!/album.php?aid=31263&id=107602369270905&fbid=157662307598244)
No comments:
Post a Comment