Wednesday, October 6, 2010

October 14 pa ang simula ng campaign period, ayon sa COMELEC

Manila (6 October) -- Muling pina-alalahanan ng Commission on Elections ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakapagfile na ng kanilang Certificate of Candidacy na sa October 14 pa ang simula ng panahon ng pangangampanya.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang mga mahuhuling lumalabag sa panuntunang ito ng komisyon ay maaring ma-disqualify.

Dagdag pa ni Jimenez na hanggang sa tatlong piso lamang kada botante ang maaring gastusin ng isang kandidato sa pangangampanya.

Ang lapad aniya ng mga pamphlets, leaflets, cards, stickers at iba pang written o printed materials na gagamitin ay hindi dapat hihigit sa 8 ½ inches samantalang ang haba naman nito ay hindi dapat lumampas sa 14 inches.

Hinihikayat ni Jimenez ang publiko na isumbong sa kanila ang mga susuway sa mga nabanggit na patakaran.

Magkasabay na isasagawa sa buong bansa ang barangay at SK elections sa October 25.

Bawat barangay ay maghahalal ng isang punong barangay, pitong sangguniang barangay kagawad, isang SK chairman at pitong SK kagawad. (PIA)

1 comment:

  1. nice blog.. have a view of my blog when free.. http://www.lonelyreload.blogspot.com .. do leave me some comment / guide if can.. if interested can follow my blog...

    ReplyDelete

Blog Archive

The Diary Archive