NANAWAGAN kahapon si Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap sa mga mamamayan na respetuhin ang resulta ng impeachment sa Senado.
Ani Yap, hindi natin dapat aksayahin ang ating oras upang ikampanya ang plastic na good governance .
Aniya, nakita na kung paano pinatunayang nagkasala si Chief Justice Renato Corona gamit ang mga Constitutional standards upang patalsikin ang isang opisyal na impeachable.
Nasaksihan rin umano ng madla ang Constitutional processes upang mapatunayan ang malalaking krimen.
Ngayon umano ay dapat na lamang nating suportahan ang desisyon ng Senado upang maiangat ang sobreyedad ng demokrasya sa bansa.
Iginiit pa ni Yap na ngayong tapos na ang impeachment, dapat umanong pagtuunan naman ng pansin ng gobyerno ang iba pang mga problema ng bansa tulad ng paglaganap ng droga at media killings na hindi pa nareresolba.
Paalala naman ni ALAM President Berteni Causing, sana ay maging aral sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno ang naging desisyon ng impeachment court kay Corona.
Ngayon umano ay pwede nang patalsikin ang kahit sinong impeachable official kung hindi sila magdedeklara ng tamang statement of assets, liabilities and networth (SALN). – NENET L. VILLAFANIA
No comments:
Post a Comment