Tuesday, February 21, 2012
Short Story: Room C10
ni Sigrid Salucop
Estudyante palang ako noon sa UP at isang summer naisipan kong mag-summer classes para mahabol ang mga units na kailangan ko. Nag-day trip ako noon at dahil halos 12 hours ang byahe galing Ilocos, nakarating nako sa dorm ng hatinggabi. Hindi talaga ako sa C10 pero pag summer kasi iniiba ang rooms ng mga residente ng Sampaguita Residence Hall kasi madaming nagko-cross register mula sa ibang mga UP campuses. Sa B10 ako pag regular na sem at ang kwartong ito ay kaharap lang ng C10 kaya ok na rin. Pag-akyat ko sa kwarto inayos ko na kaagad ang aking kama –yung kamang pang-hospital. Hindi naman na ito weird para sa mga dormers kasi talagang ganoon na ang mga kama doon at hindi lang din naman ang Sampa ang may mga ganoong beds kaso nga lang ginagamit itong panakot dahil mga ospital daw ang Sampa at ang kaharap nitong dorm noong World War II.
Habang nag-aayos ako ng mga gamit, ka-text ko ang isa kong room mate na doon din sa C10 inilagay ng dorm manager. Inaasahan ko kasi na may kasama ako sa gabing iyon. Past midnight na wala pa siya at dahil walang magawa inayos ko na rin ang aking cabinet nang biglang may narinig akong naglalakad sa may roof. Ang mga rooms kasi sa C ay nakaharap sa covered court ng Sampa kaya kaharap lang nito ang bubong ng court. Liningon ko sa bintana kung ano yun pero wala naman akong nakitang ilaw –kasi kung may nag-aayos man ng mga sira sa bubong malamang dapat may ilaw. Pero ang tanong bakit naman mag-aayos sila manong ng bubong pag gabi? Hindi ko pa natatapos ang aking pagmumuni muni nang biglang may sumitsit sa may bintana. Medyo nagalit pa nga ako noon kasi baka naman may mamboboso pero pagkatingin ko, may nakita akong itim na korteng tao. Hindi siya katangkaran at parang may suot na helmet sa ulo. Lumapit siya sa window ng C10 saka ako sinutsutan ulit. Kunwari na lang wala akong narinig pero alam ko na na marahil ay multo iyon. Kinilabutan ako kaya dahan dahan akong humiga sa higaan saka nagkunwaring nagbabasa ng libro. Alalang alala ko pa kung anong libro ang binabasa ko noon –The Things I know I learned In Kindergarten ni Robert Fulghum pero hindi talaga ako makapagconcentrate. Noong sinabi na ni Krisette na ma-le-late siya ng pagdating, nagtalukbong nako habang nakabukas pa ang ilaw. May naramdaman akong kakaiba pero hindi ako sumilip at pinipilit ko talagang matulog. Biglang lumamig ang paligid at nang may narinig akong gumalaw ng pinto sumilip ako kasi baka si Krisette na yun nang may bumungad sa akin na itim na naka-helmet. Wala itong mukha pero mistula itong nakatingin sa akin habang ako ay sumisilip sa aking blanket. Kinilabutan ako at nanlamig ang aking katawan habang pinapaniwala ko ang aking sarili na bangungot lang iyon. Biglang may kumatok sa pinto at pagsilip ko wala na yung itim na korteng tao kaya dali-dali akong tumayo at binuksan ang pintuan ng kwarto. Sa wakas si Krisette na yun galing pa sa Isabela. Hindi ko na yun kwinento sa kanya kasi natatakot ako na baka bumalik pa ang multo pag inamin kong nakita ko siya. Sabi kasi ng isa naming kaibigan, paminsan hindi alam ng mga multo kung sino ang mga nakakakita sa kanila kaya naisip ko magkukunwari na lang ako na hindi ko iyon nakita.
Pagkalipas ng ilang araw wala namang naganap na kakaiba sa C10 kaya naging mas kampante nakong mag-isa kahit pa gabi. Isang araw pagkatapos ng isa sa mga klase ko nag-uusap kami ng mga room mates ko sa may parking lot sa Sampa. Napasarap ang aming kwentuhan at hindi namin namalayan na papagabi na pala. Napatingin ako sa may gawi ng Bio Department na nasa kabilang kalye nang may napansin akong itim na korteng tao na naka-helmet. Parang hindi niya ako napansin kasi mistulang nagtatago ito sa mga santan sa may lawn ng dorm. Dahan dahan siyang naglalakad habang naka-bend ang mga tuhod nito na para bang mayroon siyang pinagtataguan. Nasilayan ko ang pigura na tumakbo papasok ng dorm. “Anong nangyari sa’yo?” tanong sakin ng isa kong room mate at napailing lang ako. “May nakita akong itim na korteng tao…” sabi ko habang hinahaplos ko ng mabilis ang aking mga braso para mapigilan ang pagtayo ng aking mga balahibo. Sa katunayan nga habang isinusulat ko ito makalipas ang ilang taon ay kinikilabutan pa rin ako.
Hindi ako nagdasal kasi hindi naman talaga ako nagdadasal. Agnostic ako kumbaga pero noong nakita na ng mga room mates ko na talagang natakot ako sa experience nay un, sinabi nila na sasamahan nila ako papunta sa UP chapel kinaumagahan para magtirik ng kandila kasi malamang daw isa itong kaluluwang hindi matahimik. Sa isip isip ko, baka nga naman kailangan lang itong ipagdasal kaya sinunod ko na lang ang aking mga room mate na mas nakakatanda sa akin.
Sabado kinaumagahan. Agad kaming pumunta sa UP Chapel para magtirik ng kandila kaya pagkatapos magbihis ay naglakad na kami mula sampa papuntang SC. Nilalakad lang kasi namin papuntang SC (Shopping Center) mula sa dorm kahit pa may kalayuan. Sabado rin naman at wala rin naman kaming ibang gagawin. Nasa may Sanggumay Residence Hall na kami nang napansin kong parang may sumusunod sa amin. Lumingon ako pero wala namang ibang taong naglalakad –halos empty rin kasi ang campus kapag sabado ang dinadayo lamang e ang academic oval. Pagkarating sa simbahan, bumili na ako ng kandila sa sinindihan ito at nagdasal. Ganoon din ang ginawa ng aking mga room mate. Habang nagdadasal ako idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang itim na korteng tao sa may labas ng simbahan. Mistula itong nagmamasid. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ito ng umaga at nasigurado ko na hindi lang ito parte ng aking imahinasyon. Ilang segundo din siyang nakatayo sa kabilang kalye –iba kasi ang istraktura ng simbahan at marami itong maluluwang na daanan. Pag nakaupo ka para makinig ng misa makikita mo ang parte ng UP Infirmary at ang kalye sa may bungad nito. Naputol ang aking pagdadasal para sa itim na korteng tao nang bigla siyang umalis at naglakad pabalik sa kalyeng pinanggalingan namin. Doon ko na siya huling nakita. Itinuloy ko na lamang ang pagdadasal para sa kanya at inisip ko na sana ay makatulong ito.
Pagktapos ng ilang taon, nakagradweyt na rin ako sa pamantasan at nagsimula nang magtrabaho. At katulad ng marami mayroon akong Facebook account. Sumali ako sa isang grupo ng mga dating estudyante sa UP Diliman at doon nabasa ko ang isang ghost story ng isang dating estudyante. Nakakita ito ng isang itim na tao na nakaupo sa may roof ng isa sa mga building malapit sa College of Mass Communication. Doon ko na napagtanto na hindi ekslusibo para sa akin ang experience na iyon at baka may iba pang taong nakakita ng mga itim na korteng tao. Ang tanong, iisa lang ba siya o marami sila?
(Graphic from: http://www.sxc.hu)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2012
(142)
-
▼
February
(23)
- KAISA, STAND-UP, ALYANSA busy with campaign
- Status Update on the Case of Miss Lordei Hina (as ...
- Terrorizing the campus press. On the harassment of...
- Leftists blame budget cut for UP Diliman’s poor se...
- Diliman Diary Blog: 02.22.2012 (My Darling Cyberst...
- Short Story: Room C10
- Of student leaders, Philippine politics and apathy...
- UPD not just about isaw (Diliman Diary Blog: 02.19...
- Gerilya conquers the Philcoa overpass with the Pin...
- IMPROVING SECURITY IN UP DILIMAN
- UPAA opens nominations for Distinguished Alumni Aw...
- U.P. Gawad Plaridel 2012 call for nomination
- U.P. Department of Anthropology opposes abandonmen...
- Sororities, Fraternities Obsolete? Diliman Diary B...
- Diliman Diary blog: 02.15.2012 (Sulu Football Prog...
- Doctor Love: My Pinoy Valentine By The Numbers
- UP Fair 2012 List of Bands
- Diliman Diary Blog: 02.07.2012 (Our Sacrificed Youth)
- Harana at Lata: The Way To Go This Valentine's Day
- Diliman Diary Blog: 02.05.2012 (The Faces of the P...
- UP Diliman statement on the Vinzons Hall incident
- Student stabbed with ice pick at Vinzons Hall
- Anakbayan slams latest oil price hike, connivance ...
-
▼
February
(23)
The Diary Archive
-
▼
2012
(142)
-
▼
February
(23)
- KAISA, STAND-UP, ALYANSA busy with campaign
- Status Update on the Case of Miss Lordei Hina (as ...
- Terrorizing the campus press. On the harassment of...
- Leftists blame budget cut for UP Diliman’s poor se...
- Diliman Diary Blog: 02.22.2012 (My Darling Cyberst...
- Short Story: Room C10
- Of student leaders, Philippine politics and apathy...
- UPD not just about isaw (Diliman Diary Blog: 02.19...
- Gerilya conquers the Philcoa overpass with the Pin...
- IMPROVING SECURITY IN UP DILIMAN
- UPAA opens nominations for Distinguished Alumni Aw...
- U.P. Gawad Plaridel 2012 call for nomination
- U.P. Department of Anthropology opposes abandonmen...
- Sororities, Fraternities Obsolete? Diliman Diary B...
- Diliman Diary blog: 02.15.2012 (Sulu Football Prog...
- Doctor Love: My Pinoy Valentine By The Numbers
- UP Fair 2012 List of Bands
- Diliman Diary Blog: 02.07.2012 (Our Sacrificed Youth)
- Harana at Lata: The Way To Go This Valentine's Day
- Diliman Diary Blog: 02.05.2012 (The Faces of the P...
- UP Diliman statement on the Vinzons Hall incident
- Student stabbed with ice pick at Vinzons Hall
- Anakbayan slams latest oil price hike, connivance ...
-
▼
February
(23)
No comments:
Post a Comment