Friday, March 18, 2011

Mensahe ng Pakikisa ng ALL UP WORKERS ALLIANCE SA PAGKILOS NG UP KILOS NA CEBU NGAYONG MARSO 17

By All U.P. Workers Union

WAKASAN ANG PANGGIGIPIT NI AVILA SA UP CEBU! TUTULAN ANG PANGHAHARAS SA PRESIDENTE NG ALL UP WORKERS UNION-CEBU CHAPTER! PALITAN NA SI AVILA! TANGGALIN SI SHARIF AT PINEDA!
Marso 17, 2011

 Matindi ang pagkabahala ng All UP Workers Union at All UP Academic Employees Union sa mga pinakahuling kaganapan sa UP Cebu.

Matandaan na nanawagan na ng pagpapatalsik kay Dekano Enrique Avila ng UP Cebu, kanyang kanang kamay na si  Alsidry Sharif  at ang makapangyarihang consultant na si Ernesto Pineda bunga ng mga di demokratikong pamamahala na apektado ang lahat na sektor ng UP Cebu: mag-aaral, guro, administratibong kawani at mga security guards. Sunud-sunod na protesta ang ginawa ng komunidad ng UP Cebu na rumurok  sa isang buong araw na welga noong Marso 8, 2011.

Ano ang naging tugon ni Dekano Avila sa mga ito? Nagpalabas siya ng Memorandum noong Marso 11, 2011 na nagbabala sa anyo ng “pagpaalaala” sa paglabas ng mga dokumento kaugnay ng mga palakad sa UP Cebu. Kahapon, Marso 16, 2011, ipinaabot ng mga kasamahan ng ating unyon sa Cebu na tinatarget na si Gigi Carcallas, ang President ng All UP Workers Union, Cebu Chapter sa panggigipit.  na ito!

Ang mga panggigipit na ito ay ang tugon ni Dekano Avila (na binigyan ng Administrasyong Roman ng ikatlong termino bilang Dekano) sa mga reklamo ng mga nagpoprotestang mga taga UP Cebu. Ang mga reklamong ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1) Mga kwestyonableng kontrata sa Pagaett Place Condotel na tinambak sa UP soccer field ang dumi mula sa pinaghukayan; kontrata sa Sun Celluar  sa isang lote ng UP Cebu sa renta na P15,000 kadawa buwan samantalang tinatayang nasa P70,000 kada buwan ang tunay na halaga ng lupa.

 2)  taliwas sa rekomendasyon ng Security Committee, agarang tinanggal sa puwesto (hindi ni-renew) ni Avila ang 15 security personnel kahit na ang nanalong bagong security agency ay handang i-absorb ang naturang mga security personnel.

3) ang hindi pag-rekomenda sa tenure ni Prop. Roberto Basadre, kahit rekomendado na ito ng lahat na academic bodies na sumusuri sa tenure samantalang itinalaga pa na Budget Officer si Sharif kahit na may mga kasong nakabimbin kaugnay ng kanyang  ethical conduct  at ginawang Chair ng isang bidding committee si Pineda habang di naman ito regular na empleyado ng UP.

4) Sa parte ng mga mag-aaral, ginagamit ng administrasyong Avila ang konsepto ng “awtonomiya” upang tanggalin ang Student Representation sa Executive Committee (Execom). Sa tinatanaw na pagiging autonomous unit ng UPV Cebu, iniaangkla ng administrasyong Avila ang pagtatanggal sa Student Representative sa Execom diumano sa dahilang sa ibang autonomous units tulad ng UP Diliman ay walang representante ang mga mag-aaral sa Execom. Sa halip na hanguin ang mga positibong praxis ng demokratikong pamamahala sa unibersidad – tulad ng pagkakaroon ng student representative sa Execom – ay idinidikta pa ng administrasyong Avila na talikuran ang pagkakataong umabante tungo sa demokratikong pamamahala at na bumalik sa panahon ng kawalang-demokrasya.

 Itaguyod ang demokratikong pamamahala sa Unibersidad ng Pilipinas!

No comments:

Post a Comment

Blog Archive

The Diary Archive