Ang CHANCELLOR namin ay hindi bahagi ng Roman Empire!
Pahayag ng All UP Workers Union-Diliman Chapter
Marso 1, 2011
Bukas Marso 2 ay malalaman natin kung sino ang mahihirang na Chancellor ng UP Diliman na papalit sa anim na taong panunungkulan ni Sergio Cao, bahagi ng Roman Empire.
Malayo pa nga BOR meeting ay marami nang lumalabas na mga tsismis o balitang walang basehan. May mga nagsasabi na si Dean Saloma na daw kasi taga Science; na matindi naman ang pagtutol ng marami sa CAL kasi daw mas tutok lang iyon sa Science. May nagsasabi naman na si Dean Guevara, kasi siya ang napili ni Cao pero marami ang ayaw dahil daw nga ipagpatuloy lang niya ang Roman Empire. May mga nagsasabi naman na ayos si Dean Tolentino dahil nakikibahagi sa pagkilos ng mga kawani at mga estudyante pero leftist daw.
Marami na ang nagtatanong sa atin kung sino ang ating sinosuportahan bilang Unyon. Ito ang sagot natin.
Ang gusto ng All UP Workers Union na Chancellor ng UP Diliman ay may ganitong TINDIG:
1. Ang Chancellor namin ay kontra sa DISKRIMINASYON sa mga kawani at REPS.
2. Ang Chancellor namin ay demokratiko at bukas ang pamamalakad at kinikilala ang Collective Negotiation Agreement o CNA.
3. Ang Chancellor namin ay sumusuporta sa laban ng 10 days additional sick leave (severance pay).
4. Ang Chancellor namin ay naininindigan na hindi dapat ituring na NEGOSYO ang mga basehang serbisyo tulad ng UFS, Health Service at iba pa.
5. Ang Chancelor namin ay laban sa kontraktualisasayon ng lahat ng kawani, at may mithiing isa regular ang mga kontraktual na kawani.
6. Ang Chancellor namin ay hindi BULAG sa aping kalagayan ng AGENCY hired employee at NON UP contractrual.
7. Ang Chancellor namin ay naninindigan laban sa budget cut.
8. Ang Chancellor namin ay naninindigan na ang UP ay pamantasan ng bayan at tumitindig sa mga pambansang isyu tulad ng Maguindanao massacre!
Sa mga nagtatanong kung sino ang ating sinusuportahan, ito na po ang kasagutan , usapin na lang kung sino sa mga nominado ang may ganitong tindig o katangian at kung siya nga ang hihirangin ng Board of Regents.
Pero sinuman ang bagong Chancellor ng UP Diliman, tiyak na ang ating unyon ay patuloy na ipaglalaban ang karapatan at kagalingan ng mga kawani at makikiisa sa ating mga faculty, REPS at estudyante para sa UP na naglilingkod sa nakararaming mamamayan.
KAYO/IKAW SINO ANG CHANCELLOR MO??
No comments:
Post a Comment