Sunday, March 20, 2011

At UP Cebu: Ousting a Deantator Students, faculty, staff and workers AOM (Arouse, Organize, Mobilize for AOM [Avila Ouster Movement])

"Matindi ang pagkabahala ng All UP Workers Union at All UP Academic Employees Union sa mga pinakahuling kaganapan sa UP Cebu."

"Matandaan na nanawagan na ng pagpapatalsik kay Dekano Enrique Avila ng UP Cebu, kanyang kanang kamay na si Alsidry Sharif at ang makapangyarihang consultant na si Ernesto Pineda bunga ng mga di demokratikong pamamahala na apektado ang lahat na sektor ng UP Cebu: mag-aaral, guro, administratibong kawani at mga security guards. Sunud-sunod na protesta ang ginawa ng komunidad ng UP Cebu na rumurok sa isang buong araw na welga noong Marso 8, 2011."

"Ano ang naging tugon ni Dekano Avila sa mga ito? Nagpalabas siya ng Memorandum noong Marso 11, 2011 na nagbabala sa anyo ng “pagpaalaala” sa paglabas ng mga dokumento kaugnay ng mga palakad sa UP Cebu. Kahapon, Marso 16, 2011, ipinaabot ng mga kasamahan ng ating unyon sa Cebu na tinatarget na si Gigi Carcallas, ang President ng All UP Workers Union, Cebu Chapter sa panggigipit. na ito!"


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

The Diary Archive