Friday, November 25, 2011

Ulat ni Staff Regent Jossel Ibit Ebesate sa katatapos na pulong ng U.P. Board of Regents (Nov. 24, 2011)


Update sa BOR Meeting ngayon (Nov 24, 2011)

Una sa agenda ang tatlong kaso (dalawang Dean kasama ang iba pa, at ang kaso ng dating Chapter President ng unyon sa UP Los Banos). Sa pangunguna ni Regent (dating Chief Justice) Puno, unang tinalakay ang sa dalawang Dean. Nag-usap-usap muna sa kapangyarihan ng BOR kung saan unang pinag-usapan ang isyu ng kapangyarihan ng BOR sa pagbago ng prescribed penalties sa mga administratibong kaso ng UP employees at nagkasundo na mayroon nga itong kapangyarihan.

Sumunod ay ang isyu sa tanong na kung ang kaparusahan ba ng isang faculty bilang Dean ay may kaukulang epekto din sa nasabing individual bilang faculty? Kahit ang sagot dito ni Regent Puno ay hindi malinaw, at wala rin halos maiambag ang UP VP for Legal. Sa isyu naman ng paghingi ng pag-inhibit sa partisipasyon kay Pres. Pascual, walang matibay na precedent at jurisprudence na mai-cite ang ating VP for Legal kaya nagkasundo na lang ang BOR na magreset sa isang espesyal na meeting sa Jan 18, 2012 sa diskusyon sa mga kaso upang mabigyan ng kaukulang panahon ang VP for Legal na mag-aral at makapagbigay ng depinidong mga sagot sa mga isyu bago magbotohan sa kung pagbibigyan ba o hindi ang mga apela sa desisyon ng Presidente, at kung tatanggapin o ibaba ang mga parusa.

Tungkol sa 10 days na Service Recognition Pay, ito ay pinag-usapan pagkatapos na imungkahi ko sa aking Sectoral Regents Report na i-adopt ng BOR and report ni VP for Administration Maragtas Amante (ayon na rin sa aking kahilingan na isama ito sa agenda) Nangako si Pres Pascual na ang initial na pagpapatupad ngayong taon (2011) ay bigyan na ng kaukulang kasagutan sa regular na meeting ng BOR sa Enero 2012, sa kadahilanang hindi pa nakapag-commit ang mga Chancellors ng iba't-ibang campus. Pinahayag natin na naiinip na ang ating mga kasmang kawani, lalo na ang mga retirees dahil sa sobrang tagal na ng paghihintay sa inisyal nitong implementasyon, simula ng bigyan ito ng "approval in principle" ng BOR noong Abril 2011. Ito ay sinang-ayunan rin ni Regent Puno, kaya tumulong rin siya sa pagtatanong kung ano ba talaga ang kakayanan ng UP na ipatupad ito sa taong 2011. Nagmungkahi pa siya na kung kaya na ngayon, ipatupad na ito kaagad, at hanapan na lang ng kaukulang pamamaraan ang pondo para sa susunod na mga taon.

Tinalakay din ang ating mungkahi para sa Comprehensive Health Benefit Program. Nagcommit naman si Pres Pascual at si VP Amante na sa mga programang hindi naman kailangan ang malaking pondo tulad ng Health Risk Assessment at Health Promotion/Disease Prevention ay kaagad nang ipatupad samantalang patuloy na mag-aaral ang unibersidad tungkol sa pagkaloob sa lahat na mga kawani (kasama ng mga faculty ng HMO-type na health benefit.

Inaprobahan din ang kahilingan ng ating unyon sa pagbibigay ng P1,000 Christmas Grocery Allowance bago magpasko ayon sa CNA.

Ang desisyon sa Revised Land Use Plan ng UP Diliman ay ipinagpaliban sa susunod na meeting at hiniling munang ito ay komprehensibong ipresenta (Anong mga pagbabago? Mga batayan? Etc?) sa BOR.

May report din ang Student at Faculty Regent, at marami pang mga pinag-usapan tulad ng mga kontrata, appointments, at iba pa.

Nag-adjourn ang meeting ng lagpas na akla-1:00 ng hapon, at saka nagtanghalian ang mga miyembro ng BOR at ng Executive Staff ng Presidente.
(Source: U.P. Kilos Na) 

No comments:

Post a Comment

Blog Archive

The Diary Archive