Friday, April 2, 2010
Pinoy Movie Review: "Miss You Like Crazy"
Ni Vida Llevares
“Bakit ka ba nagpa-panic? Kahit nga hindi mo ako hinahanap nagkikita pa rin tayo!” Isa lamang ito sa kilig na mga linyang dala ng pelikulang “Miss You Like Crazy,” galing sa Star Cinema. Tampok ang pagbabalik-tambalan ng box-office tandem nila John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, hindi naman maikakakailang isa itong pelikulang matagal ng hinihintay at pinanabikan ng mga manonood. Tatlong taon ang hinintay upang magbalik ang pares na ito sa pagbibigay ng saya, kilig at luha sa mga manonood. At ngayong 2010, nagbalik sila para maipakita ulit kung bakit sila nararapat bilang pinakapatok na love team sa kanilang henerasyon.
Isa nga namang maipagmamalaki ng pelikulang ito ay ang paglakas-loob na mag-eksperimento at subukan ang hindi karaniwang napapanood ng mga Pilipino. At eto nga ay ang hindi mababaw at puro kilig na lamang na kuwento ngunit isang malalim at makabuluhang pananaw sa pag-ibig. Umiikot ang istorya kina Allan (John Lloyd Cruz) at Mia (Bea Alonzo), na nagkakilala habang pareho silang nakasakay sa Pasig River Ferry. Dito din sila unang nagkagustuhan hanggang sila’y nagkamabutihan habang magkapiling na bumibili sa Divisoria o kaya ay matagal na nagkukuwentuhan kasama ang mainit na kape. Ang mga pangyayaring ito ay tila nagsasabing pinagtagpo talaga si Allan at Mia ng tadhana. Habang sila’y nagkakamabutihan ay lumalabo naman ang relasyon ni Allan sa kanyang nobyang si Daphne, na ginagampanan ng Star Magic artist Maricar Reyes. Si Daphne ay anak ng boss ni Allan, at kung mapunta man sa wala ang kanilang relasyon ay maaaring mawalan si Allan ng trabaho sa kompanya ng ama ni Daphne. Hindi handing bitiwan ni Allan ang trabaho nito, kaya pinilit na lamang niyang kalimutan ang kanyang nararamdaman para kay Mia.
Dalawang taon ang hinintay bago magkitang ulit sila Allan at Mia, ngunit ngayon ay sa Malaysia naman. Sa bansang ito nagtatrabaho si Mia bilang isang front desk officer. Binaliktad naman ngayon ang mga pagkakataon, dahil si Mia naman ang may relasyon at si Allan naman ang wala. Sinubukan ni Allan na magkahulugan ulit ang loob nila ni Mia, ngunit ngayon ay alam nilang hindi na naman pwede. May obligasyon pa si Mia sa kanyang pamilya at sa kanyang nobyo. Mapanukso man ang tadhana, ngunit hindi naman nito binibigyan ng tamang pagkakataon at panahon upang magkatotoo ang sinusubukang totohanin ng tadhana. Tila maraming humahadlang upang matuloy ang kanilang pagmamahalan.
Sinasabi nilang may tamang panahon at pagkakataon para sa pag-ibig. Ito ang isang mensahe na pinapatunayan sa pelikula. May mga oras na malapit na sana tayo sa pinapangarap nating mangyari, ngunit kung kailan nandyan na sana tayo ay diyan pa bumibitaw sa atin ang tadhana. Sa kuwento nila Mia at Allan, maraming bagay ang pumapel sa gitna nila para subukin ang kanilang pag-ibig para sa isa’t isa. Ngunit sa bandang huli ay pinatunayan nilang kayang hamakin ng kanilang pagmamahal ang anumang sumusubok na sirain sila.
Sa huli, masayang pagtatapos ang ibinigay ng tadhana sa kanila ni Allan at Mia. Pinapatunayan nito na ang sabi ng mga matatanda na “sa hinahaba-haba ng prosesyon, sa simbahan pa rin ang tuloy” ay totoo pa rin kahit sa makabagong henerasyon ngayon. Sinasabi nito na ang tunay na pagmamahal ay kayang hamakin anuman ang mga pagsubok na dumating. Mensahe nito na kahit ngayon ay posible pa ring magkaroon ng happy ending ang mga relasyon, basta lamang pinaglalaban ito at ginagawa ang kung ano ang tama at nararapat.
Isang makatototohanang pagganap din ang ibinigay ng box-office king na si John Lloyd Cruz bilang Allan. Ang pelikulang ito ay isa lamang patunay sa bawat panalo at pagkilala sa kanya bilang pinakamahusay na aktor sa kanyang henerasyon. Hindi ang John Lloyd Cruz na karaniwang masayahin at palabiro ang makikita ng mga manunuod dito, ngunit isang senswal at matalinong aktor na pinapasok ang sarili sa papel na pinapaganap sa kanya. Pinapatunayan niya na alam nya ang karakter na kanyang ginagawa, at ang mga emosyong kanyang pinapakita ay angkop sa bawat eksena ng pelikula.
Kapuri-puri din ang naging pagganap ni Bea Alonzo bilang si Mia. Malalim ang mga pinaghuhugutang emosyon, wala nang ibang aktres na mas may karapatang gumanap sa karakter na ito. Binigyan niya ng hustisya ang Mia na masarap magmahal ngunit mahirap masaktan.
Naging epektibo din ang pagganap ng ibang mga pangalawang actor at aktres na kasama sa pelikula. Halimbawa na lamang ang sumisikat na si Maricar Reyes bilang si Daphne, na may-ari ng ilan sa mga tumatak na linya sa pelikula. Sa linya niyang “Thank you. Sinoli mo 'to sa 'kin” kung saan tinutukoy niya ang cellphone niyang isinoli ni Mia, sinabi niya ito habang nakaakbay sa kanyang nobyong si Allan. Dito, tila ipinapahiwatig ni Daphne na nagpapasalamat din siya na isinoli ni Mia si Allan sa kanya. Magaling at mararamdaman ang bawat karakter, gaano man kaliit ang papel na ginagampanan ng storya.
Tunay nga, ang tatlong taong hinintay upang magbalik ang love team na ito sa pinilakang-tabing ay tama lang para masabik ang mga tao sa isa na namang di malilimutang kwento ng buhay, pag-asa at pag-ibig.
(Vida Llevares is a freelance writer. She is based in Cebu City)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2010
(535)
-
▼
April
(28)
- U.P. Philippine General Hospital contract with DMM...
- I was cleared of cheating - Agra | The Philippine ...
- Acting DOJ chief cheated in law school « Philippi...
- Cheating in UP - INQUIRER.net, Philippine News for...
- Diliman Video of the week: U.P. Grads protest duri...
- UP Visayas sets 31st Commencement Exercises
- The PGH Imbroglio: Battle for Directorship, Contro...
- Bloodstained Politics at the Philippine General Ho...
- EYE SPY on the Social Media: Blogger unearths narr...
- Pinoy Indie Movie Review: "Kinatay" ni Brillante M...
- Matchstick in the Wind: Palito (1934-2010)
- Diliman Video of the Week: El Niño and a small far...
- U.P. Manila Administration threatens punitive inac...
- Commentary: U.P. Manila University Council to U.P....
- EYE SPY on the Social Media: Blogger unearths even...
- Official response of the Ateneo de Manila Universi...
- Dateline Diliman: Announcements and Calendar of Ev...
- EYE SPY on the Social Media: Katrina Stuart Santia...
- Diliman Videos of the Week: Sen. Miriam Defensor S...
- Public Service Announcement: Call for Blood Donati...
- U.P. Medical Alumni Society on the PGH Director co...
- Are you taking the UPCAT (U.P. College Admissions ...
- On Monday Morning, Flag Day, the U.P. PGH communit...
- The Roving Gourmand: Gerardo's: Belly busting meal...
- Diliman Video of the Week: Happy Easter: Handel's ...
- Former U.P. PGH Director, U.P. College of Medicine...
- Pinoy Movie Review: "Miss You Like Crazy"
- Katipunan's Holy Week Vendors
-
▼
April
(28)
The Diary Archive

No comments:
Post a Comment