Wednesday, February 9, 2011
Good Riddance Roman: Pahayag sa Huling Araw sa Panunungkulan ni Emerlinda Roman
GOOD RIDDANCE ROMAN
Pahayag sa Huling Araw ng Panunungkulan ni Emerlinda Roman
UP KILOS NA
Pebrero 9, 2011
GANAP NA TULDUKAN ANG IMPERYONG ROMAN; IPAGPATULOY ANG PAGGIGIIT SA DEMOKRATIKONG UNIBERSIDAD NG MAMAMAYAN:
Ang Administrasyong Roman ay lantarang tumahak sa landas ng neoliberalistang edukasyon at humamon sa kakayanan at tibay ng kolektibong pagpupunyagi. Sa pagwakas ng Administrasyong Roman, matutuldukan na ang paghahari-harian sa system level ng mga tauhan ng imperyo. Pero, nananatili ang mga patakaran at programang neo-liberal at anti-demokratiko at nanatili sa karamihan ng mga constituent universities ang mga opisyal na masugid na tagapagpatupad ng mga ganitong programa. Kung gayon, hindi sapat na magsabi tayo ng “Goodbye Roman” at “Good luck Pascual”. Kailangang panghawakan natin ang mga aral ng ating pakikibaka at ipagpatuloy ang mga pagsisikap na gawing demokratiko at makamamamayan ang Unibersidad ng Pilipinas sa susunod na anim na taon ng panunungkulan ng Administrasyong Pascual.
Paano ba nakapanghari ang Emperyong Roman?
Narito ang hanay ng walang patumanggang abusadong gawi ng ng sagad-sagarang neoliberalistang Administrasyong Roman sa loob ng anim (6) na taon: paglulubid ng mga kasinungalingan, pagbabawas at pambabaluktot sa mga impormasyon, tahasang di pagsunod kahit sa highest policy making body sa mga desisyong di pabor sa kanyang kampo, pagtanggal ng mga tunay na kinatawan ng mag-aaral paggamit ng iba’t ibang anyo ng panggigipit, pagmamaniobra sa likod ng mga legalistikong argumento laban sa mga kolektibong tagumpay, kaprityosong paglalagay sa pwesto ng mga kaalyado kahit lantarang sagasaan ang mga demokratikong proseso at pagsasadrama ng mga huwad na konsultasyon at mga proseso.
Paano nakipagtunggali ang ating Kolektibong Lakas?
Maaga nating nasuri at sustenidong hinarap ang dalawang mukha ng neoliberalistang katangian ng Administrasyong Roman: 1)ang pagsasapalengke ng Unibersidad at 2)ang paglikha ng malisyosong imahe sa kolektibong pagtuligsa at mapanghating pamumuno sa komunidad ng UP.
Mula rito ay naging dalawang hugis din ang ating sama-samang paglaban:1)pakikibakang anti-komersyalisasyon at pribatisasyon ng edukasyon/sa mga serbisyo sosyal at 2)pagsalag laban sa pagtatangkang pagsawata sa kilusang naggigiit na ang UP ay serbisyo, hindi negosyo at kilusan sa pamantasan na isinasabuhay ang paglilingkod sa sambayanan sa pakikiisa sa mga isyu ng bayan: -Pagbubuo ng malawak na pormasyon sa pagitan ng mga sektor at CUs para harapin ang mga isyu ng UP at ng bayan gaya ng pagsasabuhay ng UP Wide Democratization Movement II para sa kampanya sa UP Charter, UP centennial multisectoral committee para sa pagkilala sa tradisyon ng pakikibaka at serbisyo sa bayan ng UP, UP KILOS NA na hinarap sa isyung mababang subsidyo sa edukasyon hanggang sa mga katiwalian sa pambansang pamahalaan.
-Pagbubuo ng mga sustenidong kampanya laban sa 2006 TOFI, kalat-kalat na kaso ng fee increases, UP 2008 Charter, mataas na subsidyo para sa edukasyon at laban sa budget cut,diskriminasyon sa mga kawani, End The Roman Empire, tenure issues, Cebu high school closure, UPS LB at UP Printing closure, kampanya sa dagdag na benepisyo at napapanahon at makatwirang promosyon para sa lahat ng sektor, ibalik ang tama sa PGH directorship, S & T Parks, maanomalyang mga kontrata;
-Aktibong pakikilahok sa mga isyu ng sektor edukasyon at ng mamamayan gaya ng kampanya sa mataas na badyet sa edukasyon at mga serbisyo sosyal, P125 dagdag sweldo sa mga manggagawa at 3000 ATB at kagyat na pagpapatupad ng SSL3,pakikipagkaisa sa hanay ng magsasaka sa isyu ng hacienda luisita at kampanya sa tunay na repormang agraryo, pag-usig sa bawat taon ng SONA ni GLORIA, pagtuligsa at pagkilos laban sa pagtaas ng presyo ng bilihin/VAT/oil price increase / fare hike ng MRT/LRT;
-Ating naipagwagi ang pagtatangka na pigilan ang ALL UP Academic Employees Union bilang sole and exclusive negotiating unit ng rank-and-file at makabuo ng kauna-unahang Collective Negotiating Agreement (CNA) sa hanay ng akademikong sektor. At muling nakapanaig sa certification election ang militante, progresibo at makabayang unyonismo (MPMU) sa hanay ng administratibong kawani na nakapaggiit ng ikalawang relatibong progresibong CNA na nagbigay ng 3 sakong bigas sa halagang P4500, centennial bonus, cash incentive mula P10,000-15,000, groceries allowance na P1000, dagdag na 6-8 araw na leaves, pagpapalakas ng mga karapatan at benepisyo sa paggawa;
-Pagpapahigpit ng pagkakaisa sa mga sektor sa komunidad ng UP gaya ng mga pagkilos sa pagsasaayos ng kalagayan ng mga vendors, pakikiisa sa 11 buwang pakikibaka ng RIPADA laban sa C5 at due process sa informal settlers na karamiha’y retirees, (ALISIN NA ITO DAHIL TIPONG NAKIKIALAM TAYO SA MGA STUDENT ACTIVITIES)
PAGHARAP SA MGA LABI NG IMPERYONG ROMAN
Direktang naalisan ng basbas ang Imperyong Roman sa pagkatalo ng kanyang manok, Sergio Cao sa pagka Presidente at sa pagsuporta ng mga sectoral regents kay President Pascual batay sa kaisahang prinsipyado, nakatuntong sa pagharap sa mga isyu. Ito ang malaking hakbang sa pagtuldok sa Imperyong Roman sa system level (bukod sa naunang napigilang pagtatangkang ikalawang termino sa balangkas ng 2008 UP Charter).
Ang pagpapalakas ng katangiang UNIBERSIDAD NG MAMAMAYAN ang lundo ng sama-samang pagkilos at sustenidong kampanya, ng kaisahang prinsipyado: maibabalik ang pagkakaisa sa loob ng komunidad ng UP at matitiyak ang paglilingkod ng Unibersidad sa mamamayan na siyang nagpopondo sa kanya:
-Maipatupad ang mga desisyon at usaping isinantabi ng nakaraang administrasyon gaya ng pagbibigay ng load kay Prof. Raymundo, pagsasaayos ng kaso ni Prof. Basadre, paghabol sa accountability ng Chancellor ng UP Mindanao, pagbantay sa isyu ng FMAB ng PGH, pagpapatuloy ng usapan sa UMMC at UMCB bilang mga istruktura ng negosasyon sa pagitan ng UP Admin at ng 2 unyon, pagrepaso sa pagtataas ng bayarin (tuition at other fees), pagrepaso at pagtiyak ng transparency ng mga kontrata; paglabas ng detalyadong financial accounts ng UP kabilang na ang mga sagot sa mga questions ng COA sa pinansya ng UP.
-Pagpapalakas ng konsultasyon at representasyon ng mga sektor gaya ng pagrepaso ng Student Code, re-negosasyon ng higit na progresibo at makaempleyado CNA ng 2 unyon mula sa pagdaragdag benepisyo hanggang sa pag-upo sa mga komite ng Unibersidad, pagrepaso ng mga proseso at patakaran sa pagpili ng Faculty Regent at ibang opisyal ng Unibersidad at pagbubuo ng multisektoral na pormasyon sa lahat ng kampus at antas system para sa mga isyu ng UP community;
-Paglikha ng kapaligirang mapagkaisa sa mga sektor at progresibong diskursong gaya ng pagbubukas ng kampus sa pagbisita ng mga magsasaka at partner sectors ng mga akdemikong programa, pagkilala sa mga karapatan at paninindigan ng mga organisasyon, pagbibigay ng mga puwang para sa karapatang makapag-asembliya at ekspresyon gaya ng pag-alis sa 12 oclock habit na rali at with permit na protesta at sagadsagaring administrador, itakwil ang diskriminasyon sa pagitan ng mga sektor (faculty, kawani, REPS) mula sa representasyon hanggang sa mga benepisyo, payabungin at isabuhay ang research agenda na magsisilbi sa lipunang Pilipino at maisabuhay ang mga tunay na konsultasyon sa mga isyu ng UP community at ng bayan.
Nasa atin ang panimulang tagumpay at matwid na pagsusuri.
Pahigpitin ang kabig-bisig laban sa labi ng Emperyong Roman na hambalos ng neoliberalistang tunguhin.
UP KILOS NA: GANAP NA TULDUKAN ANG IMPERYONG ROMAN;
IPAGPATULOY ANG PAGGIGIIT SA DEMOKRATIKONG UNIBERSIDAD NG MAMAMAYAN:
Labels:
Last day in office,
Outgoing U.P. President Emerlinda R. Roman,
U.P. KIlos Na,
University of the Philippines
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2011
(365)
-
▼
February
(59)
- UP President Alfredo Pascual with friends of Leona...
- Acoustical Analysis of U.P. Diliman College of Sci...
- Justice for Leonard Co Movement Holds ‘Lugawan,’ F...
- Diliman Video of the Week: Trophy Boy - Reese Lans...
- Philippines - Land of Contrast (Bayan Ko - Freddie...
- Today's EDSA 25 Traffic Rerouting Plan
- Former AFP Comptroller General Carlos Garcia defen...
- Son of former Armed Forces of the Philippines comp...
- Notes on the 1971 Diliman Commune
- UP Babaylan: Why is the UP College of Arts and Let...
- Riding a folding bike around Manila: My Brompton g...
- People Power Anniversary traffic advisory
- UP-Ayala TechnoHub in Diliman is a family dining d...
- Eggplants destroyed by Greenpeace activists at U.P...
- No paper chase | The Manila Bulletin Newspaper Online
- Garden of Eve (Ganap na Babae)
- UP Babaylan: DISCRIMINATION IN UP DILIMAN
- Eden Lost: a Forum on the Mining Situation and its...
- On the 100th day of the killing of Leonardo Co and...
- Design your own burger at Teacher's Village, Q.C.
- iBLOG 7: The 7th Philippine Blogging Summit at the...
- Diliman Video of the Week: Isa Dalawa Tatlo
- Mga Kathang Katotohanan: A Contemporary History of...
- U.P. Mindanao Student Council: Dialogue with U.P. ...
- Transcript of Sen. Santiago's interview on this mo...
- Senate begins public hearing on Cha-cha today
- Government agencies join call for the passage of t...
- Himati: U.P. President Alfredo E. Pascual and Mrs....
- UP DECL celebrates centenary and arts month with "...
- A Chamber Recital at the U.P. College of Music on ...
- Vigilance on the New U.P. Administration
- Pascual vows to transform UPLB, other U.P. college...
- Ayala Land, Inc. files disclosure report to SEC on...
- Diliman Video of the Week: Hands Not Spoons - VOST...
- 20th U.P. President reveals vision, while 19th U.P...
- Photos of the turnover ceremony between the 19th a...
- The 20th President of the University of the Philip...
- New University of the Philippines President announ...
- UP KILOS NA: Bukas na Liham kay Alfredo Pascual, i...
- Goodbye, Emerlinda Roman
- President Benigno S. Aquino III swears in Alfredo ...
- U.P. holds several testimonial ceremonies in seve...
- Good Riddance Roman: Pahayag sa Huling Araw sa Pan...
- Dialogue with U.P. Cebu Dean Avila on Student Repr...
- A Testimony to U.P.'s Militant Struggle
- U.P. Diliman College of Mass Communication Profess...
- Third and Last Public Forum with U.P. Diliman Chan...
- Lee Aguinaldo Remembered in a New Book on His Life...
- Diliman Videos of the Week Continued: A U.P. Alumn...
- The UPV University Student Council's Official Stat...
- To all the people (family, classmates, teachers an...
- No Commentary is Really Needed: For One Picture is...
- Diliman Videos of the Week: U.P. Mindanao Students...
- Notes on the Answers of Nominees in the 2nd Public...
- Commentary: Outgoing Roman Administration parties ...
- Commentary: A U.P. Professor seeks tenure but find...
- Book Launch: The Life and Art of Lee Aguinaldo on ...
- U.P. JMA attempts to set World Record of most numb...
- Rolando Tolentino: Chancellor na Maaasahang Katuwa...
-
▼
February
(59)
The Diary Archive

No comments:
Post a Comment