Source: http://365greatpinoystuff.wordpress.com/page/2/ |
1. EXHIBIT: “The Christmas Tradition in UP” isang eksibit sa Foyer, Office of the Chancellor.
2. PAG-IILAW: Lunes, Disyembre 5, ika-6 ng gabi, sa Oblation Plaza. Ang simula ng pagdiriwang ng pasko sa Kampus ay magtatampok ng mga bilang mula sa UP Symphonic Band sa pagkumpas ni Prop. Rodney Ambat, UP Staff Choral Society sa pagkumpas ni G. Chris Reyes at ng UP Cherubim and Seraphim sa pagkumpas ni Dr. Elena Mirano. Tatampukin din ito ng isang espesyal na pagtatanghal ng UP Varsity Pep Squad. Ang pagsisindi ng mga ilaw palamuti sa UP Diliman ay susundan ng isang community singing na pangungunahan ng mga tampok na koro sa saliw ng tugtog ng UP Symphonic Band. Ang tagapagpadaloy ng palatuntunan ay gagampanan ni Dr. Jovy Peregrino ng Kolehiyo at Literatura.
3. CHANCELLOR’S CONVOCATION: Huwebes, Disyembre 8, ika-4 ng hapon, sa University Theater. Ang paghahatid impormasyon ng Chanselor ukol sa mga plano ng administrasyon para sa UP Diliman at paguulat sa mga naipatupad at natapos na mga proyekto. Ang gawaing ito na magsisilbing kapalit ng Investiture Rites para sa Chanselor ay naasahang maging taunang programa.
4. KAROLFEST: Biyernes, Disyembre 9, ika-1 ng hapon, sa University Theater. Ang taunang paligsahan ng mga koro ng mga mag-aaral ay bibigyan ng panibagong mukha sa pagdagdag ng mga koro ng faculty at ng mga kawani bilang mga kalahok sa kumpetisyon.
5. PALIGSAHAN NG MGA BELEN AT PAROL: Lunes, Disyembre 12, sa mga Akademikong Yunit.
6. DANCE CONCERT: Miyerkoles, Disyembre 14, ika-6 ng gabi sa University Theater. Tampok ang UP Filipiniana Dance Group, UP StreetDance Club at UP DanceSport Society. Isang natatanging bilang mula sa UP Dance Company at UP Varsity Pep Squad ang itatampok sa gabing ito.
7. HANDEL’S MESSIAH: Huwebes, Disyembre 15, ika-6 ng gabi sa Abelardo Hall. Ang taunang konsiyerto ng Kolehiyo ng Musika na nagtatampok sa mga kilalang Christmas Carols ni Handel, ay pangungunahan ng UP Cherubim and Seraphim, UP Concert Chorus, UP Madrigal Singers, UP Manila Chorus, UP Singing Ambassadors, UP Chorus Classes at ng UP Orchestra Class sa pagkumpas ni G. Agripino Diestro.
8. PARADA NG MGA PAROL (LANTERN PARADE): Biyernes, Disyembre 16, ika-4 ng hapon sa Academic oval. Susundan ito ng pamaskong palatuntunan sa Amphitheater at paggawad ng mga premyo sa mga mananalo sa paligsahan ng Parol, Belen at karolfest. Magtatapos ang pagdiriwang sa isang 15-minute fireworks display na handog ng Beta Epsilon sa komunidad ng UP Diliman.
No comments:
Post a Comment