Saturday, February 20, 2010
Pinoy Movie Review: "Paano na Kaya?"
Ni Vida Llevares
Mula sa matagumpay nilang teleserye na “Tayong Dalawa” at ang kasalukuyang namamayagpag din sa ere na “Kung Tayo’y Magkakalayo”, muli na naman nating masisilayan ang pinakasinusubaybayang tambalan ng henerasyon ngayon sa isang naiibang pag atake sa pelikula, sina Gerald Anderson at Kim Chui. Handog ng Star Cinema at ABS-CBN Productions, sa direksyon ni Ruel Bayani ang pelikulang “Paano na Kaya?” ay iikot sa istorya ng dalawang matalik na magkaibigan na magagawang mahulog ang loob sa isa’t-isa. Ang pelikulang ito ay siguradong magbibigay ng ligaya at kilig lalo na sa mga natatanging tagasubaybay ng tambalang Kimerald kung tawagin.
Kilala sa kanilang mahusay na pagganap ng matinding drama sa mga nasabing teleserye sa telebisyon, isang magaang na drama naman na may halong kaunting komedi ang kanilang gagampanan sa pelikulang ito. Para sa maraming panatiko ng pelikulang pang pag-ibig, ang istorya ng pelikulang ito ay tipikal, napakapayak at inaasahan na ng marami, maging ang pagtatapos. Walang naging kakaiba at bukod-tangi na maaaring ipamalita ng sinomang nakapanood nito. Marami din ang nakapuna ng hindi pagkakaugma ng mga linyang ibinabato sa naturang pelikula ng mga tampok na artista. May mga litanyang sana ay isinalin na lang sa tagalog upang mas nagkaroon ng bigat habang binibitiwan. Naging kapuna puna din ang mabilis na pagikot ng istorya mula sa paggiging matalik na magkaibigan hanggang sa mahulog ang loob ni Kim kay Gerald. Inaasahan pa naman ng marami na tatagal sa paggiging magkaibigan muna ang dalawa bago maging magkasintahan. Sa ganitong paraan lalong napagiibayo ng mga tampok na artista ang makapagbigay ng kilig at higit na kaabang-abang na mga eksena. Subalit sa humigit kumulang dalawampung minuto ay agad ng nakaikot ang istorya sa paggiging magkasintahan ng dalawa. Ang nabigyan ng higit na atensyon at pokus ng pelikulang ito ay kung papano maipaglalaban nina Mae, ang karakter na ginagampanan ni Kim at Bogs, ang karakter naman ni Gerald ang kanilang pagmamahalan sa muling pagpaparamdam ng dating kasintahan ni Bogs na si Anna na ginampanan naman ni Melissa Ricks.
Ang istorya ng “Paano na Kaya?” bagamat tipikal ay nabigyan pa rin ng mahusay na pagganap ng mga artistang kasama dito lalo na ng mga bidang sina Kim at Gerald. Malaki pa din ang naging kontribusyon ng mga teleseryeng kanilang nauna ng ginawa katulad ng “Tayong Dalawa” sa mahusay nilang pag arte sa kabila ng hindi kagandahan ng istorya nito. Kung hindi rin dahil sa kasikatan at husay sa pag arte ng mga bidang ito, posibleng marami na ang nagsipaglabasan ng sinehan kahit nasa kalagitnaan pa lamang ang nasabing pelikula. Idagdag pa ang espesyal na partisipasyon ng isa sa pinakamahusay na aktres ng pelikulang Pilipino na si Zsa Zsa Padilla sa istorya bilang ina ni Gerald. Nakapagtataka lamang na sa kabila ng tagumpay na nakamit ng kanilang teleseryeng “Tayong Dalawa” na kanila na namang pinagsamahan at sa direksyon na din ni Ruel Bayani, hindi pa rin naging kasing bigat ng ibang mga pelikulang pang pag-ibig ang “Paano na Kaya”.
Maaaring isa sa posibleng dahilan ay ang madaliang paggawa ng istorya para sa dalawa na isinabay na din sa kanilang namamayagpag na kasikatan. Lalo na at katatapos pa lamang ng kanilang naunang teleseye at kasisimula naman ng pinakabago nilang programa sa telebisyon, ang “Kung Tayoý Magkakalayo”. Ang ganitong uri ng pelikula ay maaaring maikonsidera na hindi na higit na pinagisipan pa sa dahilang marami naman na ang tagasubaybay ng mga bidang sina Kim at Gerald. Ibig sabihin lang ay kahit ano pa ang istoryang ipalabas at kanilang pagbidahan ay tiyak pa ding panonoorin ng kanilang mga tagahanga pati na ng maraming kabataan. Malaki din ang naitulong ng suportang ibinibigay sa kanila ng ABS-CBN pati na ng Star Cinema kung kaya’t sila ay parating nakikita sa telebisyon para ipaganiyaya ang kanilang pelikula.
Sa kabuuan, hindi naman masasabing walang kahit anong buti ang pelikulang ito sa panlasa ng mga manonood. Hindi ka lang dapat umasa ng higit sa maaari mong maisip lalo na at napanood mo ang kanilang dati at kasalukuyang teleserye na may maganda at kakaibang istorya. Ang nagdala pa din ng pelikula ay ang kakayahan ng dalawa na umarte at bigyang hustisya ang karakter na kanilang ginagampanan. Maaaring masabi pa din ng sinumang nakapanood ng pelikula na kung maganda lang ang istorya at panulat ay papatok pa din itong tiyak sa takilya.
(Vida Llevares is a freelance writer who writes for the Diliman Diary. She is currently based in Cebu City)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2010
(535)
-
▼
February
(21)
- Diliman Video of the Week: "Ang Natutunan ko sa Pi...
- OP-ED: The Day of the Long Knives: U.P. Board of R...
- Dr. Enrique Domingo is now new U.P. Philippine Gen...
- Search Process is on for U.P. Alumni Association D...
- Correction regarding the Student Regent
- Breaking News: University of the Philippines PGH E...
- U.P. Student Regent's application for TRO vs. U.P....
- U.P. Student Regent's application for TRO vs. U.P....
- Pinoy Movie Review: Di na Natuto: Isang Sipat sa "...
- U.P. Student Regent Charisse Bañez files TRO vs. U...
- The Roving Gourmand: mag:net café: Undiscovered Ea...
- Pinoy Movie Review: "Paano na Kaya?"
- U.P. Officials Remain in Administrative Limbo as B...
- Announcement: White Hat + Ateneo Blue Eagles for A...
- One Picture is Worth a Thousand Words: U.P. Facult...
- The Empire Strikes Back: The U.P. Administration B...
- U.P. Fair 2010 Schedule of Events
- February 2010 Events at the U.P. College of Music
- February 2, 2010 - UP Faculty Regent Asked to Resi...
- The U.P. Board of Regents' Clash of Civilizations:...
- A Review of a Chamber Theatre Production of "The Y...
-
▼
February
(21)
The Diary Archive

ang cute cute tlga nila. sayang di sila nagkatuluyan.
ReplyDelete