Saturday, January 9, 2010
Pinoy Movie Review: "ANG PANDAY"
(Source: http://www.youtube.com)
Ni Vida Llevares
Kilala sa kanyang makapangyarihang espada at lupon ng mga kaaway, isang naiibang Flavio ang naghihintay sa mga manunuod sa pelikulang Ang Panday, hatid ng GMA Films at Imus Productions bilang handog sa ika-35 Metro Manila Film Festival. Tampok si Bong Revilla, Jr. bilang si Flavio at si Philip Salvador bilang ang mortal na kaaway na si Lizardo, tiyak na ito ay isang pelikulang Pilipinong maipagmamalaki sa buong mundo. Ang klasikong komiks na ito ni Carlo J. Caparas ay binigyan ng bagong pag-atake sa mga karakter at istorya ng kilalang direktor na si Mac Alejandre. Talaga namang kasisiyahan ang pelikulang ito ng mga kababayan nating naghihintay ng ating sariling pelikulang makabago at naaayon sa ating makateknolohiyang panahon. Hindi nga naman sila binigo ni Alejandre sa kanyang pelikulang pinagmamalaki ang magagandang special effects na maihahalintulad sa Hollywood.
Sa pinakabagong interpretasyon ng komiks na nagsimula at naging popular noong dekada 70, ginampanan ni Bong Revilla, Jr. na isa sa pinakamatagumpay na aktor sa kanyang henerasyon ang mapanghamong papel ng isang panday na unang naging alamat sa pagganap ni Fernando Poe, Jr. noong 1981. Umiikot kay Flavio ang kwento at sa kanyang mga pagliligtas ng kanyang minamahal na si Maria mula sa masamang kamay ni Lizardo, kasama ang iilang mga kakamping sina Emelita, Bugoy at Marcos. Habang ginagawa nila ang lahat para mabawi si Maria, madaming paghihirap ang darating sa grupo. Si Flavio naman ay nahaharap sa pagsubok kung saan nakatali siya sa kanyang responsibilidad na protektahan ang mundo at sa kagustuhan niyang mailigtas ang kanyang babaeng iniibig.
Tunay ngang nabigyan ng hustisya ni Revilla ang pinakabagong hamon na ito sa kanyang karera. Sa katunayan, pinarangalan siya para sa pelikulang ito bilang ‘Pinakamahusay na Aktor’. Sa kanyang pag-atake sa isang matagal nang popular na karakter, nakagawa ng sariling interpretasyon si Revilla sa kanyang mga maaaksyon na eksena. Nasa tamang timpla rin ang pagganap ng ibang karakter sa pelikula, at katunayan dito ang pagka-panalo rin ni Salvador sa kanyang papel na Lizardo bilang ‘Pinakamahusay na Pangalawang Aktor’. Maliban sa dalawang panalong ito, nagkamit rin ang pelikulang Ang Panday sa Metro Manila Film Festival Awards bilang Pinakamagandang Pelikula, kaya hindi magkakamali ang mga taong manunuod nito.
Makakaasa din ang mga manunuod na ito ay isang pelikulang sulit na sulit sa kanilang bayad at sa pagpila sa mga sinehan. Narooon ang mga special effects na tanging sa pelikulang ito lamang naging possible. Pinatunayan dito na ang mga sariling atin ay pwede nating maipagmalaki at ang gawang Pinoy ay maipapareha sa mga napapanuod natin sa mga dayuhan. Ang computer-generated imagery (CGI) nito ay nakakamangha dahil makikitang pinaghandaan at hinusayan at walang sinakripisyong detalye ng istorya. Kapana-panabik din ang mga magagandang disenyo ng set at nakakaaliw naman ang mga bagong anggulo ng kwento. Hindi man maiiwasang maikumpara sa pinakaunang bersyon ng komiks tampok si Fernando Poe, Jr., isang malaking bagay ang sigurado. Hindi ito ikahihiya natin at bagkus ay dapat tayong matuwa na ang mga ganitong klase ng pelikula na ginagawang tunay ang imahinasyon at inakala nating imposible ay kaya pala nating gawin.
(Coming soon in the Diliman Diary: More questions regarding the University of the Philippines Foundation and the U.P. Business Research Foundation)
Labels:
Ang Panday,
Bong Revilla,
Carlo J. Caparas,
GMA 7,
Pinoy Movies,
U.P. Business Research Foundation,
U.P. Foundation
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2010
(535)
-
▼
January
(7)
- UP College of Medicine Alumni write President Roma...
- U.P. Dictates the Script on Student Regent's Vote ...
- U.P. President Roman appoints Philippine General H...
- Annular Solar Eclipse, Other Celestial Events in J...
- Pinoy Movie Review: "ANG PANDAY"
- 2010 Official Philippine Holidays: Regular and Spe...
- Ateneo Center for Economic Research and Developmen...
-
▼
January
(7)
The Diary Archive
-
▼
2010
(535)
-
▼
January
(7)
- UP College of Medicine Alumni write President Roma...
- U.P. Dictates the Script on Student Regent's Vote ...
- U.P. President Roman appoints Philippine General H...
- Annular Solar Eclipse, Other Celestial Events in J...
- Pinoy Movie Review: "ANG PANDAY"
- 2010 Official Philippine Holidays: Regular and Spe...
- Ateneo Center for Economic Research and Developmen...
-
▼
January
(7)
Sana damihan nyo pa ang inyong mga nagawang movie review sa mga pelikulang pilipino
ReplyDelete